Poetry Issue 12:3

   Issue # 12:3 : January-June 2010

Oliver Ortega



Adorno


      at nakarating din kami dito sa kabila

      ng nagbabagang opinyon na may paraan

      para turuan ang asong tumanggi sa buto


      --


      sa kaibuturan ng nagbabanggaang opinyon

      kaugnay ng kung ano’t wala sa uso

      tulad ng naglalahong panghalip panao


      --


      isa dalawa tatlo ang konseptong nakakalbo

      apat lima anim ang tumawid sa dilim

      sampu ng lahat ng inakalang mangyayari


      --


      nagbabago ang opinyon ayon sa init

      ng pagkahon sa balangkas na naglaho

      ang kabuluhan sa bulusok ng panahon


      --


      maláy natin ang bisagrang nag-uugnay sa málay natin

      sa kabila ng pagtanggi mong kumagat sa buto

      ng mga usapang nanghihingi ng opinyon


      --


      sa kaibuturan sa init sa kabila ng

      sa balangkas sa malay natin sa dilim

      sa halip na isa, narito ang isa pang akala